Ang mga pamahalaan natin ay mahinay na nagpapatupad ng mga hakbang para kontrolin ang SARS-CoV-2 at pigilan ang Pandemyang COVID-19. Mabagal ng reaksyon, mga patakaran ng pagpayapang pampubliko, at ang kanilang pag-pilit na patatagin ang ekonomiya ay nagpapatigil sa kanila ng pagbibigay ng mga kailangang hakbang para maprotektahan ang mga milyon-milyong mula sa sakit na ito. Gayunpaman, hindi lang ito ang pasan ng gobyerno. Oras na natin, bilang mamamayan ng daigdig, para kumilos ngayon at gawin ang ating bahagi para labanan ang COVID-19
Ilagay natin ito sa matuwid: Manatili sa mga bahay natin, Gago!
Ang Manipestong Pag-Quarantine sa Sarili
Nang walang pinagaralan ng paggamot at walang makakakuha ng gumaganang bakuna para sa kahit isang taon pa, ang mabisa na paraan para kontrolin ang pandemyang coronavirus ay bigyan ang virus ng mas kaunting pagkakataon na kumalat. Ito ay mga listahan ng mga aksyon, sa uri ng madaling ipatupad sa mas mabisa sa paglaban ng pandemya, ay dapat na sapat bilang isang nakatakdang ng maluwag na patnubay para sa mga tao na gustong sumali sa kilusan at gumawa ng aksyon na maaring talagang gumawa ng pagkakaiba.
- Huwag matakot, pero maging alerto.
- Maghugas ng kamay palagi at magsanay ng magandang kaugalian sa pag-ubo at pagbahin.
- Subukang limitahan and paghawak sa iyong mukha hangga't maaari, kasali ang iyong bunganga, ilong, at mata.
- Magsanay ng paghiwalay sa lipunan, walang yakap at halik, walang pakikikamay, walang apir. Kung kakailanganin, gamitin ang mas ligtas na alternatibo.
- Huwag pumunta sa mga konsiyerto, dula, mga kaganapan sa palakasan, o kahit anong mga kaganapan sa libangan.
- Pigilin ang sarili sa pagbisita sa museo, tanghalan, sinehan, night clubs, at sa mga ibang mga lugar ng paglibangan.
- Lumayo sa mga pagtitipong pang pakikisalamuha at pagdiriwang, katulad ng mga pulong sa club, serbisyo sa relihiyon, at mga pribadong salu-salo.
- Bawasan ang beses ng paglalakbay sa pinakakauinti. Huwag lumakbay ng malayo kung hindi ito talagang kinakailangan.
- Huwag gumamit ng pampublikong sasakyan kung hindi ito talagang kinakailangan.
- Kung kaya mong magtrabaho sa bahay, magtrabaho ka sa bahay. Pilitin mo ang iyong hepe na payagang magtrabaho ng malayo kung kinakailangan.
- Palitan ang maraming mga pakikipag-ugnay sa lipunan hangga't maaari sa mga malalayong alternatibo tulad ng tawag sa telepono o video chat.
- Huwag iwanan ang iyong tahanan maliban kung talagang kinakailangan.
Mangyaring tandaan na walang tama o mali na dami ng mga aksyon na gagawin. Gawin lamang ang mga aksyon na kumportable sayo at hindi mo mailagay sa panganib ang iyong kabuhayan. Huwag kang umalis sa iyong trabaho dahil dito! Gayunpaman, tandaan na ang bawat aksyon ay makakatulong.
Bakit Mahalaga Ito
Ang SARS-CoV-2 ay isang labis na nakakahawa at pwedeng maaring nakakamatay na virus na nagiging sanhi ng sakit sa panghinga na tinatawag na COVID-19. Maari mong alam ito sa isa sa mga ibang pangalan nito, tulad ng 2019-nCoV, novel coronavirus, Wuhan coronavirus, Tsina o Wuhan flu, o sa simple lang, coronavirus. Lahat na ito ay tumutukoy sa parehong virus na sinusubukang pinapatigil ng kilusang ito.
Sa mga nakaraang buwan at linggo, ang virus at ang sumasamang sakit nito ay inihambing na paulit-ulit sa influenza virus at ang pana-panahong trangkaso. Dahil sa nagkakapatong na sintomas at tila katulad na kalubhaan, itong paghahambing ay natural sa maraming tao, gayunpaman, nakatingin sa kung anong alam natin sa ngayon tungkol sa bagong virus, ang banta nito sa lipunan ay hindi madaling balewalain.
Mas Nakakahawa kaysa sa Trangkaso
Sa tinatayang R0 (ang inaasahang bilang ng kaso na direktang nabuo ng isang kaso sa populasyon kung saan ang lahat ng mga indibidwal ay madaling kapitan ng impeksyon) sa gitna ng 1.4 – 6.49 at ang tantiyahing mean ng 3.28[1], ang SARS-CoV-2 ay mas nakakahawa at madali itong magpakalat kaysa sa trangkaso, na may median R0 na 1.28[2].
Mas Nakamamatay kaysa sa Trangkaso
Ang tinatawag na case fatality rate (CFR) ng SARS-CoV-2 ay tinatayang nasa paligid ng 2%[3], ito ay nangangahulugang na ang mga tinatantya na 2% ng mga tao na nasuri sa COVID-19 ay sumasailalim sa ito. Sa paghahambing, ang CFR ng pana-panahong trangkaso ay tinatantya sa paligid ng 0.1%[4], ibig sabihin na ang SARS-CoV-2 ay tinatantyang halos maging 20 beses na nakakamatay kaysa sa pana-panahong trangkaso.
Posibilidad ng Nakaklubhang Sintomas
Tinatantyang 15 – 20% ng nahawaan na tao ay dumanas ng nakaklubhang sintomas na nangangailangang ng medikal na atensyon[5], kasali ang pulmonya kasama ang paghirap ng paghinga at mababang pagbabad ng oxygen sa dugo.
Walang Paggamot, Walang Bakuna, Walang Kaligtasan sa Sakit
Bilang ang SARS-CoV-2 ay kamakailan lamang na lumabas, wala pang pinagaralan na paggamot sa COVID-19 at kailang pa ng madaming pananaliksik para mapagamot ang mga taong nahawa ng mahusay. Gayon din, wala pang bakuna para sa SARS-CoV-2 ngayon[6] at ang paggawa ng bakuna na ito ay aabutin ng nakaparaming oras. Sa walang bakuna at walang nauunang malawak na kaligtasan sa sakit, lahat ay madaling ma-target sa impeksyon. Habang ang karamihan sa mga nahawaang tao ay magdurusa lamang sa banayad na sintomas, ang kawalan ng kawan na kaligtasan sa sakit ay maaring sanhi ng malubhang sakit sa makabuluhang bilang ng mga taong nanganganib.
Paglagong Exponential
Dahil sa kulang na kaligtasan sa sakit sa itong bagong virus, ang buong populasyon ng tao ay sa itaas na limitasyon ng posibleng impeksyon. At bagaman ang paglagong exponential ay laging parang mabagal sa una, maaari itong humantong sa walang kabuluhang mataas na bilang sa maikling oras. Sa bilang ng mga nahawaang tao kasalukuyang nagdodoble sa ilang araw[7], ang ating mga sistemang medikal ay posibleng mapuno, na hahantong sa mataas na bilang ng mga nakamamatay dahil sa mga taong hindi nakukuha ang pangangalaga na kinakailangan nila.
Sa pagsali ng kilusang ito at kaya't nililimitahan ang mga posibilidad para sa mga bagong impeksyon, hindi lang sarili mo ang prinoprotektahan mo, pero tumutulong ka para pigilin at limitahin ang pagkalat para sa lahat, lalo na sa mga taong mas mataas na peligro na nagdurusa ng malubhang kahihinatnan galing sa virus.
Kung nagmamalasakit ka sa layuning ito, ibahagi ito sa social media, sa pamamagitan ng email, o sabihin lang sa iyong mga kaibigan at pamilya tungkol dito. Ngunit pakiusap, #StayTheFuckHome na lang.
Para sa lahat ng gustong tumulong sa #StayTheFuckHome website at ang kilusan, ginawa naming open-sourced yung website so lahat na ay pwedeng tumulong. Ang GitHub repository ay mahahanap dito: https://github.com/flore2003/staythefuckhome
Kung meron ka pang ibang puna tungkol sa nilalaman ng website na ito, pakiusap, sulatan mo kami sa contribute@staythefuckhome.com. Isaisip lang na kasalukuyan kaming tumatanggap ng maraming emails, baka hindi kami makakabalik ng diretso sa iyo.
Pagtatanggi: Ang nilalaman ng website na ito ay hindi bumubuo ng medikal na payo. Ang impormasyong ibinigay sa itaas ay nangangahulugang isang mungkahi para sa mga nababahala na indibidwal na sundin ang isang maluwag na hanay ng mga patnubay base sa mga pinakamahusay na kasanayan at ang personal na katibayan para maprotektahan ang kanilang sarili at ang mga mahal sa buhay. Walang garantiya o pang-agham na katibayan na ang pagsunod sa nabanggit na mga alituntunin ay hahantong sa pagbawas ng bagong impeksyon o mapatigil ang epidemyang COVID-19. Wala ring garantiya na ang pagsunod sa mga patnubay na ito ay magbabawas ng panganib na magkaroon ng impeksyon sa SARS-CoV-2 o anumang iba pang virus o bakterya. Ang lahat ng impormasyong ibinigay sa website na ito ay binigyan ng pinakamahusay na hangarin at magbibigay ng impormasyon sa katotohanan. Sa walang kaganapan ay ang mga operator ng website ay mananagot para sa anumang paghahabol, pinsala, o iba pang pananagutan. Kung meron kang mga alalahanin o komento sa impormasyong ibinigay ng website na ito, mangyaring sumulat sa inquiry@staythefuckhome.com.